PatrolPH

Ang kulit! Angelica Panganiban, halik ang regalo kay Ryan Bang

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2019 04:14 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Halik ang regalong natanggap ni Ryan Bang para sa kanyang ika-28 kaarawan mula kay Angelica Panganiban.

Sa "Banana Sundae" nitong Linggo, Hunyo 16, nakakatuwa ang naging reaksiyon ni Ryan nang payagan siya ni Angelica na halikan siya sa labi ng dalawang beses. 

Unang beses na hinalikan ni Ryan si Angelica sa pagbubukas ng programa at sumunod ay sa isa pang segment nito na "Ano Bato Pick!"

"Natupad na 'yung wish niya, 'yung kiss niya," ani Angelica. 

Matatandaang isa si Ryan sa pinakamalapit na kaibigan ni Angelica.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.