Andi Eigenmann, sinorpresa ng nobyo sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2019 01:46 PM | Updated as of Jun 17 2019 05:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi napigilan ni Andi Eigenmann nitong Lunes ang maluha sa naging sorpresang pagdating sa "Magandang Buhay" ng kanyang nobyong si Philmar Alipayo.

Sa unang pagkakataon, nagpakita sa telebisyon ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. 

"Sabi niya sa akin kagabi, 'Mahal, ko alam mo ba, sobrang miss na kita. Kapag nagkita tayo, feeling ko maiiyak talaga ako.' Sabi ko, 'Iyakin ka naman talaga.' Ako pala 'yung maiiyak," ani Andi na pansamantalang nahiwalay kay Philmar dahil sa pagtungo niya sa Maynila.
 
Pag-amin ni Philmar, kinakabahan siya sa kanyang pagbisita sa "Magandang Buhay."

Matatandaang sa isla ng Siargao umusbong ang pagtitinginan nina Andi at Philmar na isang professional surfer. 

"Noong una na nakita ko siya nagpa-picture siya sa akin, hindi ko pa alam (na artista siya) wala lang. Siguro a month after 'yung mga kaibigan, mga surfer, sabi nila 'Alam mo ba 'yung nagpa-picture sa iyo ay artista?' 'Yung isa ko ring barkada ipinakita sa akin 'yung [serye] niya na 'Agua Bendita,'" pagbabalik-tanaw ni Philmar.

Ayon kay Philmar, ang pagiging simple ng aktres ang dahilan para mapamahal siya rito.

"Nakita ko sa kanya na hindi siya maarte at sa pagkain hindi mapili, gustong-gusto ko rin, sobrang na-in love ako. Sobra (siyang maalaga)," ani Philmar.

Para naman kay Andi, si Philmar ang nagpakita sa kanya na sa kabila ng kanyang pinagdaanan ay puwede pa siyang magkaroon ng isang pamilya. 

Si Andi ay may anak sa dating nobyo nito na si Jake Ejercito, samantalang may isa ring anak si Philmar sa dating nakarelasyon.

"Actually if anything kaya happy ako with my relationship with Philmar kasi he makes me feel like it's something that could actually last forever. And even I was young when I had Ellie puwede pa rin pala akong maka-achieve ng pamilya. Kasi sa kanya ganun 'yung love, 'yung parang kahit ano okay lang. Hindi 'yung parang wait lang may wall hanggang dito lang muna," paliwanag ni Andi.

Ayon kay Andi, pagtanggap at respeto ang susi sa kanilang masayang relasyon.

"Ang importante mayroon kaming respeto sa sarili, sinusubukan namin 'yung best namin para magkaintindihan kami at saka mag-grow kami together as a team. I feel like that's what makes our relationship special is because doon nanggagaling 'yung love sa respect and understanding," ani Andi.

Sa programa, ibinahagi rin ni Andi ang maayos niyang relasyon sa pamilya ni Philmar. Nakilala na rin ni Philmar ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose.
 
"Sobrang saya. I love hanging out and being around his family kasi ang babait nila. Namana ni Philmar sa parents niya 'yung pagiging maalaga," ani Andi.

"Noong nagkita kami nung una ay natakot ako. Pero 'yung pangalawang pagkikita namin ay okay na ako," ani Philmar tungkol naman sa pagkikita nila ni Jaclyn.
 
Sa ngayon ay pabalik-balik si Andi sa Maynila para sa pag-aaral ng kanyang anak na si Ellie.

"Parang slow adjustment 'yung ginagawa namin. Slow change. Eventually na namin papalitan siguro 'yung schedule pagdating sa school niya. Kasi 'yun nga what other people think kasi ang saya-saya ng pictures ko sa Siargao, people assumed that I forgot about Ellie or that I leave her here which is not true. And if anything she's my top priority no matter what. Even if I'm having a second child, siya pa rin 'yung priority ko. So kailangan ko mag-make ng extra effort na maibigay 'yung pangarap namin na tumira sa isla pero education pa rin, important pa rin 'yon para sa akin," paliwanag ni Andi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.