Father's Day 2018: Ilang sikat, binigyang pugay ang mga ama

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2018 05:18 PM

Hindi nagpahuli ang ilan sa mga hinahangaang artista sa pagbati sa kani-kanilang mga ama nitong Linggo, Araw ng mga Ama.

Sa Instagram, inalala ng komedyanteng si Vice Ganda ang kaniyang ama sa mga katangian nitong tila "contrasting" o nagkakasalungat.

"Mabait pero mabagsik. Mapagmahal pero may saltik. Malambing pero namamalo ng bata. Matapang pero mababaw ang luha," isinulat ni Vice sa caption.

"Lumisan pero 'di lumayo. Nawala pero 'di naglaho," dagdag ni Vice.

Pinasalamatan naman ni Kim Chiu ang kaniyang "dakilang ama."

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

"Thank you for being funny and for always being there 'pag may mga important events kami. We may not always be together but our love for you will be forever," sabi ni Chiu sa caption.

 

A post shared by ziaquizon (@ziaquizon) on

Nag-post naman ng throwback picture ang singer-songwriter na si Zia Quizon kasama ang amang si Comedy King Dolphy.

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Sinorpresa naman si Ogie Alcasid ng kaniyang anak na si Nate nitong Linggo habang nasa dressing room ng "ASAP."

May regalong mga bulaklak at balloon naman si Mariel Rodriguez at anak na si Isabella para sa haligi ng tahanan nilang si Robin Padilla.

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

"Thank you for everything that you do for us! We love you so much!" mensahe ni Mariel.

Blessing naman para kay Toni Gonzaga ang pagiging mabuting ama ng asawa niyang direktor na si Paul Soriano sa kanilang anak na si Severiano Elliott o Seve.

"I always knew you’d make a great dad.. So blessed to witness it everyday with Seve," ani Gonzaga.

Ipinagdidiwang ang Father's Day tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.