PatrolPH

Nasaan ka nung 1994? Chito Miranda, inalala ang gig sa Club Dredd

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2021 01:17 PM

MAYNILA -- Ikinatuwa ng netizens ang pagbabalik-tanaw ni Chito Miranda patungkol sa kanyang bandang Parokya ni Edgar.

Ang grupo ang nagpasikat sa mga awitin tulad ng "Harana," "Halaga," at "Buloy."

Nitong Sabado, isang lumang retrato ang ibinahagi ni Miranda sa Instagram. Sa retrato, kitang nasa stage ang grupo ni Miranda nang kilalang bar na Club Dredd.

"Nung nagsimula ang Parokya, wala pang camera phones, at black & white pa lahat photos. 1994. Nasaan ka nung 1994? Kami nasa Club Dredd," ani Miranda, 45, sa caption.

Maliban sa kanyang mga tagahanga, nagbigay reaksiyon din sa kanyang naging post ang kanyang kaibigan na si Angel Locsin. 

"Black and white? 80 years old ka na?" ani Locsin.

Natuwa rin ang mga netizen sa makulit na sagot ng asawa ni Miranda na si Neri Naig sa kung nasaan siya noong 1994.

"Nasa Subic, grade 4 pa lang po," ani Naig, 35.

Sa Disyembre ay nakatakdang ipagdiwang nina Miranda at Naig ang kanilang ika-7 anibersaryo bilang mag-asawa.

Matapos ang civil wedding nina Naig at Miranda noong Disyembre 13, 2014, muling ikinasal ang dalawa kinabukasan, Disyembre 14, sa simbahan sa Tagaytay City.

Related video: 

Watch more on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.