Liezel Garcia, malapit na nga bang ikasal?

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2019 03:24 PM | Updated as of Jun 13 2019 03:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Masaya ang dating "Pinoy Dream Academy" scholar na si Liezel Garcia sa kanyang engagement sa fiance na si Justin Eagle.

Sa pagbisita ni Liezel sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes, ipinaliwanag nitong marami pa silang kailangang asikasuhin bago maikasal.

"We are still processing our papers," aniya.

"Wala pa kasing napag-uusapan na date or anything. Basta reserved, taken na [ako]," dagdag niya.

Agosto 2018 nang ibahagi ni Liezel sa Instagram ang engagement niya kay Eagle.

Bumisita sa "UKG" si Liezel para anyayahan ang mga manonood na suportahan ang bago niyang awitin na "Salamin."
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.