Jessa at Dingdong, suportado ang team-up nina Jayda at Darren

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2019 05:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Kilig at benta sa fans ang pagsasama ng mga batang performers na sina Jayda Avanzado at Darren Espanto.

Kaya naman thankful ang unica hija nina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado na mas marami na ang nakaka-appreciate sa kanyang talento bilang performer.

"We just hope to hopefully continue to inspire people and continue to make people happy with our music," aniya.

Aprub naman sa mga magulang ni Jayda na magtulungan sila ni Darren sa pag-unlad ng kanilang career bilang mang-aawit.

"Ako natutuwa sa team-up nila kasi pareho silang mahusay, actually," ani Jessa.

"We got the chance to meet Darren in person and hang out with him and he's a very nice young man. I'm glad that they're working together," ani Dingdong.

Pero sa mga nang-iintriga kung pwede na raw ligawan si Jayda, iba na ang tono ni Jessa.

"Bata pa. Hindi pa pwede," aniya.

Singles at live performances ang hinihintay ng fans mula kina Jayda at Darren na malapit nang mapanood. 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.