Animator ng 'Incredibles 2', ginawang mga superhero ang Team Kramer

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 11:19 AM | Updated as of Jun 13 2018 07:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Masayang nakipagkuwentuhan sa local media si Bryn Imagire, isa sa mga gumawa ng animated movie na “Incredibles 2” ng Pixar at Walt Disney Studios.

Fourteen years ang naging agwat bago napanood ang sequel ng matagumpay na pelikula kung saan bida ang isang pamilya ng superheroes.

Ipinaliwanag ni Bryn na ito ang perfect timing para sa sequel.

"I have been waiting to work on 'Incredibles 2' because I've worked on the first one," ani Bryn, shading art director ng Pixar Animation Studios.

"Maybe this is just the perfect time where everything came together," dagdag niya.
 
Pagkatapos ng special advance screening ng “Incredibles 2," in-unveil ang mga sketch ni Bryn ng mga local personalities natin dito sa Pilipinas gamit ang style at kulay sa “Incredibles.”

Dito natuwa ang ilan sa mga subject na sina Dra. Vicki Belo, Hayden Kho at kanilang anak na si Scarlet Snow at ang Team Kramer.
 
"I hope they like them. It's really fun for me to see if I can get the feeling of their personality in a pose. It's a lot of fun for me," ani Bryn.
 
World-class na rin ang Pinoy animators at ayon kay Bryn, malaking factor nito ang ating sipag at masayahin na personalidad.
 
"I have a lot of Filipino friends in Pixar... They have similar personality traits as you guys like very jovial, happy, very nice hospitality and very warm people and I hope to meet more," ani Bryn.

At kung gagawa siya ng isang malaking animated scene sa mga susunod niyang proyekto hindi malayo na sa Pilipinas ito mangyari.

"I would love to set it somewhere in Southeast Asia. There are things that came in to the places that I've visited like Indonesia, Singapore and now here in Manila... I think it would be a perfect setting," ani Bryn.

Ipapalabas ang "Incredibles 2" sa June 14.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.