PatrolPH

Vina Morales, kasama na ang anak na si Ceana sa vlogging

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2020 02:12 PM

MAYNILA -- Magkasama na sina Vina Morales at ang nag-iisa niyang anak na si Ceana sa pagsabak sa vlogging.

Sa Instagram, ibinahagi ni Vina ang saya na pumayag na ang kanyang anak sa paggawa ng vlog kasama siya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales) on

"I am excited to share to all of you that finally my daughter agreed to video vlog with me in our YouTube channel, 'My Life, Our Life' -- the Vina and Ceana channel. We will be sharing with you our moments together," ani Vina.

Si Ceana, 11, ang anak ni Vina sa dating nakarelasyon na si Cedric Lee.

Para sa kanilang unang vlog, nagkulitan sa isang laro na tinawag nilang "How Well Do We Know Each Other" ang mag-ina. 
 
Narito ang kabuuan ng unang vlog nina Vina at Ceana. 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.