Pamilya ni Eddie Garcia, nanawagan ng dasal para sa aktor

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 01:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA — Sa pinakahuling statement na inilabas ni Dr. Tony Reboso, ang tagapagsaita ng pamilya ng beteranong aktor na si Eddie Garcia, ay na sa kritikal pa rin ang kondisyon nito at comatose.

Sinabi rin ni Reboso na naka-life support si Garcia dahil sa hirap sa paghinga.

May ventilator na nakakabit sa aktor dahil ayon kay Reboso, hindi kayang makahinga ni Garcia nang walang tulong ng ventilator.

Simula noong Sabado, Hunyo 8, nang mangyari ang aksidente ay hindi pa rin nagigising ang aktor at nasa ICU pa rin dahil sa maselang lagay nito.

Nananawagan naman ang pamilya sa fans at supporters, maging sa publiko na ipagdasal ang agarang paggaling ni Eddie Garcia.

Matatandaang bumagsak si Eddie Garcia nang mapatid sa isang kable habang nagte-taping sa kaniyang bagong TV show sa Maynila nitong Sabado.

— Ulat ni Ernie Manio, Umagang Kay Ganda, Hunyo 12, 2019