TFC News

SILIPIN: ‘Iron Heart’ stars nagpasiklab sa Dubai

Randy Lamsen at Rowen Soldevilla | ABS-CBN Middle East News Bureau

Posted at Jun 11 2023 07:04 AM | Updated as of Jun 11 2023 07:54 AM

DUBAI - Dinumog ng fans ang pagtatanghal ng ‘Iron Heart’ stars na sina Richard Gutierrez, Sue Ramirez at Sofia Andres kagabi, June 10 sa Saeed Hall 1, Dubai World Trade Center para sa Kapamilya Kalayaan Karavan.

1
2
4

Humataw sa kanilang song and dance performances nina Richard, Sofia at Sue na todong nagpasaya sa mga dumalo. Ang pagtatanghal ay kasabay ng pagdiriwang ng 125th anniversary ng Philippine Independence Day.

Silipin ang mga kaganapan bago nagsimula ang pagtatanghal:

Matapos ang kanilang Dubai leg, tutulak naman ang Kapamilya Kalayaan Karavan sa Manama, Bahrain sa June 15; Doha, Qatar, June 23; Yorkshire,UK, June 17 at sa Madrid, Spain sa June 18.

Abangan ang buong report sa TFC News sa TV Patrol.