Eddie Garcia, malubha pa rin ang kalagayan

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2019 04:47 AM | Updated as of Jun 11 2019 11:16 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Malubha pa rin ang kalagayan ng beteranong aktor na si Eddie Garcia dahil sa tinamong severe neck cervical fracture kung saan naapektuhan ang kaniyang spine.

Nilagyan na rin ang 90 anyos na aktor ng traction sa leeg para maibsan ang pressure sa ulo.

Ayon kay 1-PACMAN Party-list Rep. Michael Romero, stepson ng aktor, patuloy na lumalaban ang kaniyang stepfather at umaasa ang pamilya na may mangyaring milagro sa paggaling nito.

Kuwento naman ni Bibeth Orteza, malapit na kaibigan ni Garcia, pinayagang dumalaw ang mga pamilya at kaibigan ng aktor pero dala-dalawa lang ang maaaring pumasok nang sabay sa ICU.

Bumagsak si Garcia habang nagte-taping sa kaniyang bagong TV show sa Maynila nitong Sabado. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.