MANILA — Naniniwala ang aktor na si JM de Guzman na importanteng mapasaya ang sarili at mga taong nakapaligid sa iyo ngayong panahon ng lockdown dala ng COVID-19.
Sa online show na “Pamilya Kowentuhan,” iginit ni JM na kayang gawan ng paraan para manatiling masaya at positibo sa buhay sa kabila ng kaguluhan.
“Like 'yung ginawa nating contest, tumatawa tayo. Kaya naman natin hindi ba?” ani JM patungkol sa costume contest na ginawa nilang mga bituin ng seryeng “Pamilya Ko” para kanilang online show.
“So kung kaya nating gawin bakit hindi kaya sa ibang gawin sa iba. Kahit sa mga audience natin sana kayo rin. If you frown you make other people down. So always spread positivity,” ani JM.
Bago ang enhanced community quarantine, abala si JM bilang isa sa mga bituin ng “Pamilya Ko.”
At habang nasa lockdown, isa rin si JM sa bumida sa pelikulang “Love Lockdown” ng iWant.