PatrolPH

Bakit nagkita sina Coco Martin at Lito Lapid?

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2020 02:46 PM | Updated as of Jun 10 2020 08:27 PM

 


MAYNILA -- May bagong kolaborasyon sina Coco Martin at Senator Lito Lapid.

Nakipagkita si Martin kay Lapid sa senado kahapon para sa diskusyon ng mga bagong ideya sa pagbabalik-taping ng "FPJ’s Ang Probinsyano." Nakatakda itong iere muli sa Hunyo 15 sa Kapamilya Channel sa iba’t ibang cable network at sa TVPlus Cinemo. 

Ayon sa chief of staff ni Lapid na si Atty. Filmer Abrajano, humingi ng tulong si Martin sa senador para mabigyan ng bagong twists ang serye. Nagkwentuhan at nagbatuhan ng mga ideya ang dalawa at may mga suggestion si senator sa istorya, ayon kay Abrajano. 

Watch more on iWantTFC

'Di malilimutan ang kolaborasyon ni Martin bilang Cardo Dalisay at ni Lapid na gumanap na Pinuno sa "FPJ’s Ang Probinsyano" bago mag-eleksyon nung isang taon. Sisikapin din daw ni Lapid na maging consultant director sa produksyon bagamat ang priority ng senador ay ang trabaho sa new normal set-up ng Senado. 

Pinayuhan din ni Lapid si Martin sa pagharap sa mga batikos. Aniya, hayaan na lang daw ito dahil bahagi ito ng pagiging public figure. 

Nagkabiruan din umano sina Martin at Lapid kung paano sila magti-TikTok para sa mga fans.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.