Jhon Clyd Talili, itinanghal na unang kampeon ng 'Tawag Kids'

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2017 03:25 PM | Updated as of Jun 10 2017 09:47 PM

Nagbunga ang ipinamalas na galing ni Jhon Clyd Talili matapos siyang tanghalin na unang grand champion ng "Tawag ng Tanghalan Kids" nitong Sabado sa "It's Showtime." 

Pinahanga niya ang mga hurado at mga manunuod na tumutok sa pagkanta niya ng bersyon ni Regine Velasquez ng "I Don't Want to Miss a Thing." Siya ang nakakuha ng pinakamataas na combined judges' scores and text votes mula sa limang grand finalist. 

Emosyonal si Jhon Clyd nang ihayag ang kanyang pangalan bilang kampeon.

Second placer naman si Keifer Sanchez. Kasunod si Mackie Empuerto, Sheena Belarmino, at Francis Concepcion. Nanalo si Talili ng P1 million, bagong bahay, at negosyo package. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.