'Ang Probinsyano,' patuloy na kinakapitan ng mga manonood

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2021 11:23 AM

MAYNILA -- Patuloy ang pagkapit ng mga manonood sa sikat na serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano."

Nitong Martes ng gabi, muling ipinakita ng mga manonod ang suporta sa seryeng pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin matapos itong magtala ng all-time high na 156,099 peak concurrent viewers sa Kapamilya Online Live ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel. 

Ito ang kinumpirma ng Dreamscape Entertainment sa kanilang post sa social media.

Sa pinakahuling episode, tila nakahanap ng bagong kakampi ang grupo ng bidang si Cardo Dalisay (Martin) nang tulungan sila ng pamilya ni Lia (Jane de Leon) na gamutin ang mga sugatan nilang miyembro matapos ang sagupaan nila ng grupo ni Renato Hipolito (John Arcilla).

Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC

Noong nakaraang Linggo, naging matindi ang tagpo sa serye matapos magbuwis ng buhay ang mag-asawang sina Teddy (Joel Torre) at Virgie (Shamaine Buencamino) matapos silang maipit sa barilan sa pagitan ng grupo nina Cardo at Hipolito.

Mapapanood ang "FPJ's Ang Probinsyano" sa Kapamilya Channel, CineMo, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at iflix.

Related videos:

Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC