Maymay sa kaniyang nobyo: ‘Ganito pala feeling na ako ‘yung priority’

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2022 10:11 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

MAYNILA – Bagamat masaya si Maymay Entrata na makabalik na sa Pilipinas, hindi naman nito itinanggi na nalulungkot siyang mapalayo muli sa kaniyang nobyo na nasa Canada. 

Sa kaniyang panayam sa Star Magic Inside News, inamin ni Entrata na nakaramdam ito ng sakit sa muling pagkakalayo nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend matapos manatili nang ilang buwan para rin mag-aral. 

“Alam mo yung mas masakit kasi alam mong inalagaan ka nang maayos, inalagaan ang puso mo. Tapos, yung alam mong pinapahalagahan ka talaga niya. Kaya dun ako masyadong nasaktan kasi nagdepend na ko sa kanya -- yung feeling mo na secured ka,” paliwanag ng “PBB” Big Winner. 

Kuwento pa ng aktres, matured at maalaga ang boyfriend na si Aaron kaya naman araw-araw na nahuhulog ang kaniyang loob. 

“Kapag consistent ‘yung nagmamahal sayo araw-araw kang mapo-fall, hindi lang sa umpisa. Araw-araw talaga. Ganito pala yung feeling na ako ‘yung priority,” masayang tugon ni Entrata. 

Bago ang kanilang pagkikita, madalas umano sila magka-video call nito kung saan kahit hanggang sa pagtulog niya ay pinapanood siya nito. 

“Lagi kaming nagko-communicate. Lagi kaming nagbi-videocall. Isa sa pinakamahirap kasi yung i-explain mo detalyado kung ano yung nangyayari araw-araw,” kuwento niya. 

Bagamat hindi masyadong expressive noon, natutunan ni Entrata na mag-adjust lalo pa’t alam nitong may responsibilidad siya sa kanilang relasyon.

“Pumasok ka sa relationship, dapat committed ka. Responsibility natin yung pagiging committed sa partner natin,” pagbibigay diin ni Entrata. 

Itinuturing din niyang isa sa pinakamalaking biyaya na natanggap niya ang nobyo na mayroon ng halos lahat ng katangiang ipinagdasal niya noon sa Panginoon.

Lumipad papuntang Canada si Entrata upang mag-aral ng kursong may kinalaman sa pag-arte kung saan natapos na nito ang unang semestre. May tatlo pang semester ang kailangan igugol nito bago tuluyang magtapos. 

Watch more News on iWantTFC