PatrolPH

Eddie Garcia na-ospital matapos maaksidente sa taping

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 06:46 PM | Updated as of Jun 09 2019 05:50 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — (UPDATED) Isinugod sa ospital nitong Sabado ang batikang aktor na si Eddie Garcia sa gitna ng kaniyang taping para sa isang television series sa GMA-7.

Sa isang pahayag, sinabi ng kaniyang pamilya na isinasailalim ang 90 anyos na aktor sa "critical observation."

Kumalat sa social media nitong hapon ng Sabado ang mga retrato ni Garcia na tila namumutla at ikinakarga ng ilang mga tao para maisugod sa ospital.

Ayon sa ilang netizens, isinugod sa ospital sa Tondo, Maynila, si Garcia, kung saan siya umanong ni-revive.

"Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concerns and extended prayers," ayon sa pahayag.

"Please continue praying for Tito Eddie's fast recovery... We would like to request his fans and everyone to pray with us so he could get better the soonest possible time."

Huling ginawaran si Garcia ng Special Jury Prize sa kaniyang pagganap sa pelikulang "Rainbow's Sunset" na humakot ng mga parangal sa Metro Manila Film Festival noong Disyembre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.