Kim at Xian, muling pinakilig ang mga tagahanga

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2021 03:29 PM

MAYNILA -- Muling napakilig nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang mga tagahanga sa pinakabago nilang mga retrato sa social media.

Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ni Xian ang mga retrato kasama ang nobya sa isang yate.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Tanging ang mga emoji na sunrise, motor boat at red heart ang naging caption ni Xian sa kanyang post.

Ipinakita naman ng mga kaibigan, netizens, at tagahanga nina Kim at Xian ang kanilang pagkakilig sa mensahe nila sa comment section ng post ng aktor.

Samantala, nagbigay din ng kanyang reaksiyon si Kim sa pinakabagong post ng nobyo.

"Hahahhahah😅😅😅 yun pala yun!!!," ani Kim.

Matatandaang sunod-sunod ang sorpresa ni Xian sa kanyang nobya na isa sa mga host ng "It's Showtime."

Nito lamang nakaraang buwan, tinupad ni Xian ang pangarap na maiangkas sa motorsiklo at bumiyahe ng malayo kasama si Kim.

Nito ring Abril, sa kaarawan ni Kim, ay muling ipinahayag ni Xian ang pagmamahal sa aktres.

Related video:

Watch more on iWantTFC