PatrolPH

Kim Chiu nagpasalamat sa tagumpay ng 'Bawal Lumabas'

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2020 12:33 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

MAYNILA — Nagpasalamat si Kim Chiu sa kaniyang mga tagasuporta dahil sa tagumpay ng bago niyang kantang "Bawal Lumabas."

Noong Sabado, nanguna sa listahan ng mga trending video sa YouTube ang performance ni Chiu ng naturang kanta sa Wish 107.5 Bus, na umani na na 4.5 million views.

Nag-top din ang "Bawal Lumabas" sa Pinoy MYX Countdown, ang listahan ng music channel ng MYX ng mga popular na music video mula sa mga Filipino artist.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

"Maraming salamat sa inyo, classmates, for making this possible," sabi ni Chiu sa isang Instagram post gabi ng Sabado.

Nagpasalamat din si Chiu sa Wish 107.5 Bus sa pagbibigay sa kaniya ng pagkakataong makapagtanghal.

"Thanks also to Wish Bus for always welcoming all kinds of artists and genres. Totoo nga na music brings us all together," aniya.

Ang kanta ay hango sa nakalilitong pahayag ni Chiu sa isang Facebook Live noong Mayo 8, kung saan binatikos nila ng mga kapuwa Kapamilya stars ang pagpapatigil ng gobyerno sa broadcast operations ng ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.