Jed Madela, handa na sa 'Higher' concert tour

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 09:21 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Excited na si Jed Madela sa kanyang "Higher" concert tour na magsisimula ngayong buwan.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, ibinahagi ni Jed na sa June 21 sa Cebu magsisimula ang kanyang tour para sa pagdiriwang ng kanyang ika-15 taon sa industriya.

"Magsisimula ang 'Higher' 15th anniversary concert tour sa June 21 sa Cebu, sa Waterfront Grand Ballroom, kasama ko ang 4th Impact. Sa US, sa July 27 at Saban Theatre sa Beverly Hills, California," ani Jed na tumatayo ring hurado sa "Tawag ng Tanghalan."

Nang matanong kung ano ang kanyang naging diskarte at tumagal sa industriya ng 15 taon, sagot ni Jed: "Unang-una talent, 'yung boses, at pakikisama sa kasama sa trabaho. Kahit anong galing mo, kung hindi ka kasama sa trabaho, hindi ka tatagal din."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.