KZ, napili para sa 'La Luna Sangre' theme song

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2017 01:35 PM

MANILA -- Nagpasalamat si KZ Tandingan sa pagkakataong awitin ang theme song para sa inaabangang serye na "La Luna Sangre."

Inamin ni KZ sa kanyang Instagram account na hindi siya makapaniwala na siya ang pinagkatiwalaan para awitin ang "Ikaw Lang Ang Mamahalin." 

Nagpasalamat din si KZ sa mga tagahanga nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nagpakita ng suporta para siya ang umawit ng theme song ng nasabing fantaserye.

Kilala din si KZ sa pag-awit niya ng "'Wag Ka Nang Umiyak" na isa din sa mga awitin ng sikat na seryeng "Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.