PatrolPH

Argus at Kulot ng 'Showtime', may nilinaw tungkol sa Isip Bata

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2023 02:10 PM

MAYNILA -- Nilinaw ng mga batang bituin ng "It's Showtime" na sina Argus at Kulot na hindi scripted ang binibigay nilang opinyon sa pinag-uusapang segment ng noontime show na "Isip Bata."
 

Watch more News on iWantTFC

"Kung ano lang po ang maisip namin 'yun lang ang isasagot namin. Hindi po kami scripted," ani Kulot sa naging pagbisita nila ni Argus sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

"Naiisip ko lang po 'yon," dagdag na sagot naman ni Argus.

Ayon sa mga bata, iba ang saya na marami na ngayon ang kanilang napapasaya at marami na ang nakakakilala sa kanila.

"Sobrang saya po," ani Argus.

"Kasi kapag wala po sila ay wala rin ako sa 'Showtime,'" ani Kulot.

Sa "Magandang Buhay," sinubukan din ng mga momshies na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Regine Velasquez ang galing sa pagbibigay ng opinyon nina Kulot at Argus.

Nakasama rin nina Kulot at Argus ang kani-kanilang magulang sa pang-umagang programa ng ABS-CBN.

Ayon sa ina ni Argus, sa TikTok nakilala ang anak noong panahon ng pandemya, samantalang sa mga vlog nakilala si Kulot.

Watch more News on iWantTFC

Kung hindi artista, ibinahagi nina Argus at Kulot ang pangarap nilang maging pagdating ng panahon.

"Ako po baker, sa restaurant po. Kasi po ang mga pinsan namin .. nagbi-bake po ng cake," ani Kulot na pangarap din ang makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng sariling bahay at mapaayos ang mata ng kanyang ina.

"Doctor po ng mga pulis at pulis tulad po ng daddy ko," ang nais naman maging ni Argus.

Sa programa, inalala rin ng mga bata at kanilang mga ina ang pagsubok na pinagdaanan nila sa kasagsagan ng pandemya.

Watch more News on iWantTFC

Sa naging pagbisita ni Vice Ganda sa "Magandang Buhay" nitong nakaraang buwan, nagpasalamat ang sikat na komedyante sa saya at tulong na naibibigay ng mga batang bituin ng Isip Bata.

"Lagi kong sinasabi sa kanila maraming-maraming salamat dahil ang daming buhay ang pinapasaya nila. Ang daming natutuwa sa inyo. Ang daming puso ang nagiging masaya kapag pinapanood kayo kapag naririnig kayong magsalita... Habang tumatagal, tumatanda na rin tayo, nag-asawa na 'yung mga kasama ko, nagka-anak na. Hindi tulad dati mga bagets kami harutan kami nang harutan. May mga bagay kaming hindi na rin nagagawa at hindi naibibigay, 'yun ang naibibigay nila ngayon," ani Vice.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.