PatrolPH

Dawn Zulueta nagpabakuna kontra COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2021 01:00 PM

Dawn Zulueta nagpabakuna kontra COVID-19 1
Naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19 ang aktres na si Dawn Zulueta. Instagram/@dawnzulueta

MAYNILA — Nabakunahan na kontra COVID-19 ang aktres na si Dawn Zulueta.

Sa Instagram, nagbahagi kamakailan si Zulueta ng retrato niya habang tinuturukan ng COVID-19 vaccine.

Sa caption, ipinaliwanag ni Zulueta na pasok siya sa A3 priority group o iyong mga taong may comorbidity o sakit.

Sa ngayon kasi, tanging health care workers (A1), senior citizens (A2), at mga may sakit (A3) pa lang ang binibigyan ng bakuna sa ilalim ng programa ng gobyerno.

Hindi naman binanggit ni Zulueta kung ano ang kaniyang karamdaman.

Ayon pa kay Zulueta, nabigyan din ng COVID-19 vaccine ang kaniyang ina, na isang senior citizen.

Bukod kay Zulueta, marami na ring ibang celebrity ang naturukan kontra COVID-19, gaya nina Sharon Cuneta at mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Target ng pamahalaang mabakunahan ang di bababa sa 58 milyon ng populasyon bago matapos ang taon upang magkaroon ng herd immunity. Sa huling tala, 5.3 milyon dose ng COVID-19 vaccine na ang na-administer sa bansa.

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.