PatrolPH

Loisa, itinangging nagseselos siya kay Julia Barretto

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2017 03:55 PM | Updated as of Jun 06 2017 04:51 PM

Loisa, itinangging nagseselos siya kay Julia Barretto 1

MANILA -- "Hindi po ako nagseselos sa kanya." 

Ito ang sinabi ni Loisa Andalio sa balitang nagseselos 'di umano siya kay Julia Barretto.

Si Julia ang leading lady ngayon ng dating ka-love team ni Loisa na si Joshua Garcia at nali-link sa kanya ngayon na si Ronnie Alonte.

Nitong Martes sa press conference ng "4 of a Kind: The Un4gettable Concert" na magaganap sa Music Museum nitong Hulyo 8, iginiit ni Loisa na masaya siya sa magandang karera ngayon ni Julia.

"Hindi po ako nagse-selos sa kanya. Sa totoo lang, happy din po ako sa kanya sa nangyayari sa career niya. Wala po akong ganoong feeling sa sarili ko na selos or galit, wala pong ganoon. As in happy lang po ako sa lahat," ani Loisa.

Ayon pa kay Loisa, masaya din siya sa matagumpay na love team nina Joshua at Julia at tambalan ni Julia at Ronnie na parte ng seryeng "A Love To Last."

"Ang masasabi ko sa kanilang tatlo ay sobrang happy ako. Mga supporters nila siguradong happy sila sa ganap nilang tatlo. Masaya ako na may masayang nangyayari sa career nila," ani Loisa.

Parte si Loisa ng "My Deart Heart" na ngayon ay nasa huling dalawang linggo na.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.