‘Tuloy ang saya’: Jolina, Karla at Melai, magbabalik sa ‘Magandang Buhay’

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 11:48 AM

MANILA — Magbabalik na ang mga momshies na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa “Magandang Buhay,” live mula Lunes hanggang Biyernes.

Nitong Huwebes, inanunsiyo ng ABS-CBN ang pagbabalik ng ilang mga sikat na programa na natigil dahil sa utos ng National Telecommunications Commission noong Mayo 5.

Sa kani-kanilang Instagram account, ipinahayag ng tatlong host ang kasiyahan sa kanilang muling pagbabalik.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 🍀 Jolina Magdangal Escueta 🍀 (@mariajolina_ig) on

“Magkikita tayo ulit mga Momshie, Popshie, at Anakshie! Mas lalo namin pagagandahin ang inyong umaga mula Lunes hanggang Biyernes,” ani Jolina sa caption ng kanyang post.

“Tuloy ang saya, inspirasyon at pagpapaligaya! See you soon mga Kapamilya,” ani Karla.

Ang “Magandang Buhay” at ang sikat na serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” ay ilan lamang sa Kapamilya shows na magbabalik simula ngayong Hunyo 13 sa Kapamilya Channel na mapapanood sa cable at satellite TV sa buong bansa. 

Mapapanood ang Kapamilya Channel sa SKY, Cablelink, G Sat, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association (PCTA) sa buong bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.