Julia Montes, suportado ang pagbabalik ng ‘Ang Probinsyano’ ni Coco

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 01:47 PM | Updated as of Jun 05 2020 11:53 PM

MANILA — Suportado ng aktres na si Julia Montes ang pagbabalik ng sikat na seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes ng gabi, ibinahagi ni Julia ang poster ng pagbabalik ni Cardo Dalisay, ang bidang karakter na ginagampanan ni Coco sa sikat na serye ng ABS-CBN.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

“Babalik na s'ya!” ani Julia sa caption ng kanyang post. 

Si Julia ay patuloy na nauugnay kay Coco. Sa nakaraang panayam, hindi kinumpirma, pero hindi rin itinanggi ng aktres ang sinasabing relasyon nila.

Iwas din si Coco sa mga tanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Julia. 

Matatandaang unang nagkasama sina Coco at Julia sa seryeng “Walang Hanggan” noong 2012.

Ilang Kapamilya shows, tulad ng "Ang Probinsyano," ay magbabalik sa Kapamilya Channel na mapapanood sa cable at satellite TV sa buong bansa simula Hunyo 13.
 
Mapapanood ang Kapamilya Channel sa SKY, Cablelink, G Sat, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association (PCTA) sa buong bansa.