Gerald Anderson, handa na sa pagbabalik ng ‘A Soldier’s Heart’

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 02:56 PM

MAYNILA — Handa na sa pagbabalik ng serye na “A Soldier’s Heart” ang bidang aktor nito na si Gerald Anderson.

Isa ang “A Soldier’s Heart” sa mga magbabalik na Kapamilya shows simula sa Hunyo 13 sa Kapamilya Channel na mapapanood sa SKY, Cablelink, G Sat, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association (PCTA) sa buong bansa.

Sa Instagram nitong Biyernes ng hapon, ibinahagi ni Gerald ang teaser nang muling pagbabalik ng maaksiyong serye.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on


 
“Reporting for duty!! Magbabalik na kapamilya,” ani Gerald sa caption.

Maliban kay Gerald, mga bida rin ng serye sina Carlo Aquino, Vin Abrenica, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Yves Flores, Nash Aguas at Sue Ramirez.
 
Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-ere ang “A Soldier’s Heart” at iba pang serye ng ABS-CBN dahil na rin sa lockdown dala ng sakit na COVID-19 at ang pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN ng National Telecommunications Commission noong Mayo 5.