Paulo Avelino, nagsimula na mag-shoot ng pelikulang 'Goyo'

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2017 05:53 PM

Paulo Avelino as Gregorio del Pilar in 'Heneral Luna.' Photo from the Heneral Luna Facebook page

MANILA -- Nagsimula na ang aktor na si Paulo Avelino na mag-shoot para sa inaabangang pelikulang "Goyo: Ang Batang Heneral."

Makakasama muli ni Paulo si Jerrold Tarog ang direktor ng award-winning na "Heneral Luna."

Sa panayam ng Push na inilabas nitong Lunes, ibinahagi ni Paulo ang kasiyahan na masimulan ang pelikula na tungkol sa buhay ng batang heneral na si Gregorio del Pilar.

“Actually we’ve been preparing for this for quite a long time so I’m very excited and kinda nervous that we’re shooting it now and that we’ve finally started. I think everything is well planned and studied. All the people from production pretty much know what the film is about and what we want to achieve and what we want to show the people,” ani Paulo. 

 

A post shared by Jerrold Tarog (@jtarog) on

Pag-amin pa ni Paulo, maiuugnay niya ang sarili sa istorya ni Gregorio del Pilar na namatay sa edad lamang na 24. 

“The part of him that I could relate to is he was carrying a very big burden at a very young age and I kind of could relate to that in a lot of ways. I also learned some things about him that surprised me. That he was once hit by a bullet in the head one time. He was grazed by a bullet during one of his campaigns,” ani Paulo.

Nang matanong naman sa puna na masyado siyang guwapo para sa role, sagot ni Paulo: "Well, hindi naman too pogi siguro. Gregorio del Pilar was actually known to be a good-looking person and 'yun nga 'yung joke about him na may girlfriend siya in every town na nadadaanan niya. There are actually letters na marami ata talaga siyang naging girls.” 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.