PANOORIN: Rapper na si Zaito, umangkas na rin sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2017 04:30 AM

Nakilala si Zaito dahil sa kanyang mga kwelang banat sa Pinoy rap battle. 

Siga at walang inuurungan sa Fliptop battle ang astiging si Zaito. Kahit pa minsa'y wala na sa ritmo, tuloy pa rin ang paglaban nito. Walang labang hinihindian, basta't maipakita lang na siya'y kayang makipagtagisan. 

Kaya naman nitong Lunes, dinala ni Zaito ang kanyang husay sa pagpapatawa sa "Ang Probinsyano." Kabilang siya sa mga bagong cast member ng top-rating teleserye. 

Makata man kung ituring sa mundo ng Fliptop, isa namang "kanto boy" na "no-read, no-write" ang kanyang role sa serye. Bagama't ganito ang kanyang kalagayan, may busilak itong kalooban at malasakit sa mga kaibigan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.