Claudia, JK, planong magbalik-eskuwela

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2017 11:43 AM

Tapos na ang bakasyon at back to school ngayong araw ang karamihan sa mga estudyante at ilan sa mga paborito nating celebrities ang nagbigay kahalagahan sa kanilang edukasyon.

Si Claudia Barretto na kapatid ni Julia, silver medalist sa kanilang school at planong tapusin ang kanyang pag-aaral.

"I just ended third year high school. (I plan to take) business management," ani Julia.

Sa kabila naman ng pagiging busy ni JK Labajo sa taping, balak pa rin niyang magbalik-eskuwela.

"This school year may plano po ako mag-aral. Education is really important. I stopped. I'm now in Grade 8... Actually I'm going to take an exam para mag-jump ako to Grade 12," ani JK.

Thirty-nine years old na ang celebrity mom na si Sunshine Cruz, pero hindi naging hadlang ang edad para makapagtapos ng pag-aaral.

Matapos siyang grumadweyt ng kursong Psychology sa Arellano University nito lang Abril, ay plano na rin ni Sunshine na kumuha ng Master's degree.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.