TNT Boys babalik sa kanilang home school program

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2019 09:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ang mga bigatin nilang pagtatanghal sa iba-ibang bansa, balik-eskuwela muna ang mga miyembro ng TNT Boys.

Sa ikalawang taon, enrolled muli sina Kiefer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion sa home school program ng isang pribadong Catholic school sa Quezon City.

"I want to be a professional doctor and 'yong gumagawa ng robot," ani Concepcion.

"Gumagawa po ako movies, acting, and nagda-dance," ani Empuerto.

"Civil engineer po. Gusto ko pong gumawa ng malinis na daan po. 'Yong walang lubak-lubak," ani Sanchez.

Wala sa plano ng mga handler at magulang ng TNT Boys na tumigil ang mga ito sa pag-aaral.

Nag-moving up noong Marso ang 3 mang-aawit sa kanilang home school program.

May halong panghihinayang ang TNT Boys sa mga hindi nila nararanasan bilang mga ordinaryong estudyante.

"Di ko po na-experience 'yong high school na lalabas ng cafeteria po," ani Empuerto.

"Minsan nakakalungkot kasi wala kayong kausap, ka-chikahan," ani Concepcion.

"Makikipag-meet sa friends every morning," ani Sanchez tungkol sa tingin niya ay na-miss niya.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.