'Tawag' Grand Finals: Huling pasiklaban ng Top 3 finalists Janine, Ato, Steven

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2018 03:42 PM | Updated as of Jun 02 2018 07:27 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Kaniya-kaniyang medley ng kanilang napiling artists ang ginawa ng "Tawag ng Tanghalan" Top 3 finalists sa kanilang huling pasiklaban nitong Sabado. 

Nagtanghal sa final round ng patimpalak sina Janine Berdin mula Cebu, Ato Arman mula Bukidnon, at Steven Paysu mula Amer

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa huli, si Berdin ang idineklarang panalo sa paligsahan. 

Unang sumabak sa 3-way showdown si Arman na kinanta ang hit songs ni Freddie Aguilar na "Anak," "Minamahal Kita," at "Ipaglalaban Ko."

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sunod nagpasiklab sa stage ang pambato ng Amerika na si Paysu na baon ang mga hits na "Somewhere Down The Road," "Mandy," at "I Write the Songs" na pinasikat ni Barry Manilow. 

Huling sumalang ang kaisa-isang babaeng finalist na si Berdin, kung saan ipinakita niya ang kaniyang pambihirang range nang kantahin ang rock songs na "Tatsulok," "Noypi," at "Hallelujah" ni Bamboo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.