PatrolPH

Vivoree Esclito, nagtapos na sa senior high school

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2020 11:33 AM

MAYNILA — Nagtapos na ng senior high school ang aktres at dating “Pinoy Big Brother: Lucky 7” housemate na si Vivoree Esclito.

Sa Instagram, nagbahagi si Vivoree ng mga retrato at clips ng kanyang virtual graduation kung saan hindi niya napigilang maging emosyonal.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @vivoree on

Sa caption, sinabi ni Vivoree na hindi niya akalain na malalagpasan niya ang pagsubok na pagsabayin ang pag-aaral at karera sa showbiz.

“This journey and I had a love-hate relationship; it was never easy. With all the other things I did for my career habang hinahabol ‘yung deadline sa homework, natutulala na lang ako minsan sa kakaisip kung ano ba ang uunahin ko. Napa ‘ayoko na’ at ‘bahala na’ na lang ako. Hindi ko naman akalaing malalagpasan ko rin pala ‘to. Pero honestly, I would never have made it if it weren’t for the people who helped me throughout the school years,” ani Vivoree na hindi nakalimutang pasalamatan ang mga taong tumulong at naging inspirasyon niya sa kanyang pag-aaral.

“Nairaos din ang 2 years of uncertainty ko. Naiyak ako nung tinawag pangalan ko kasi ang hirap para sa ’kin emotionally at mentally ‘yung napagdaanan ko, hindi kahanga-hanga ‘yung pagiging unmotivated ko minsan, at pakiramdam ko, ‘ hindi ko naman siguro deserve ‘to’. Naisip ko na lang na para sa mga taong tumulong sa 'kin ang success na ‘to. At saka siyempre kasabay na dun ‘yung laking pasasalamat ko kay Lord kasi hindi Nya talaga ako pinabayaan,” dagdag ni Vivoree.

Sa ngayon ay naghahanda na si Vivoree sa pagpasok niya sa kolehiyo.

“Alam ko namang hindi pa dito nagtatapos ang kalbaryo kasi may college life pa. Pero gusto ko lang ibahagi sa inyo ‘to para malaman ninyo na hindi kayo nag-iisa. Basta Lord, sisipagan ko na po talaga sa susunod na kabanata,” ani Vivoree.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.