PatrolPH

Mangangalakal, wagi ng P175,000 sa ''It's Showtime'

ABS-CBN News

Posted at May 31 2023 05:35 PM

Larawan mula sa 'It's Showtime' Facebook account.
Larawan mula sa 'It's Showtime' Facebook account.

MAYNILA — Wagi ang isang mangangalakal ng P175,000 sa "Isip Bata" segment ng "It's Showtime" nitong Miyerkoles.

Sa jackpot round, napili ni Tatay Jaime si Kulot na sumalang sa nalalabing tatlong tanong. Parehas sila ng takbo ng isip na proteksyon sa init ng katawan ang paglalagay ng kurtina.

Napulsuhan din niya si Kulot nang sabihin nitong violin ang gusto nitong maging tunog ng boses niya.

Tumpak siya sa huli at napalanunan ang jackpot nang naisin nito na magkaroon ng damit na hindi pinagliliitan.

"May mga paborito po akong damit kaso hindi na po kasya sa 'kin," saad ni Kulot.

Hindi napigilan ni Tatay Jaime na maiyak sa napalanunang P175,000.

"Mapapagawa ko na po 'yung bahay ko sa Cavite. Maraming salamat po," aniya.

Mapapanood ang "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Biyernes ng tanghali sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.