Paglalantad ni Lala (Jennica Garcia) sa latest episode ng 'Dirty Linen' nitong Mayo 31, 2023. ABS-CBN
Tila hindi pa tapos ang mga pasabog ngayong Mayo sa paglalantad ni Lala (Jennica Garcia) sa latest episode ng "Dirty Linen" nitong Miyerkoles.
Nagtataka si Alexa (Janine Gutierrez) kung bakit gigil na gigil si Lala sa mga Fiero nitong mga nakaraang araw.
Dito binunyag niya na siya ang nagpasabog sa opisina ni Carlos Fiero (John Arcilla) habang na sa loob pa ang kontrabida.
"Dapat talaga isisikreto ko na lang 'yun eh pero naisip ko bakit ko itatago 'yung tagumpay ko. Para sa kaalaman mo, ako lang naman ang nagpasabog ng opisina ni Carlos Fiero," ani Lala.
"Ang ginawa ko, ang pumatay kay Carlos Fiero. O 'diba? Ang saya," dagdag pa niya.
Paliwanag ni Lala, hindi niya mapigilan ang sarili matapos siyang gahasain ni Carlos.
"Inip na inip na ako, ang bagal niyo eh, binaboy ako nung tao, pinatay 'yung lola ko tapos gusto niyo buhay siya," ani Lala.
"Sige nga? Sagad sa buto 'yung galit ko sa taong 'yun, buhay ako, araw-araw gumigising ako pero 'diba parang pinapatay ako araw-araw. Tapos ngayon ka lang pupunta rito, bubungaran mo 'ko, nagugulat ka bakit ako gigil na gigil?" dagdag pa niya.
Wala namang nagawa si Alexa kundi yakapin ang kaibigan at naiyak na rin sa dinaranas nito.
Mapapanood ang “Dirty Linen” weeknights sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.