MAYNILA – Ibinahagi ni Bea Alonzo ang mga bagong aktibidad na natutunan at pinagkakaabalahan niya ngayong panahon ng lockdown.
Sa Instagram, ikinuwento ni Alonzo na nahilig siya sa pag-alaga at pagpipinta ng mga halaman, mga aktibidad na nagsisilbing creative outlet niya mula nang matigil sa pag-arte dahil sa pandemic.
“Since I haven’t been acting for quite some time now because of the pandemic, I thought, I should find an outlet for my creativity. It’s nice. It makes my heart happy,” ani Alonzo.
“Don’t judge! I just started and not claiming to be good at it,” hirit ng aktres.
Bukod sa pagpipinta, naging abala rin si Alonzo ngayong lockdown sa pangangasiwa sa I Am Hope, isang organisasyong nagbibigay ng pagkain sa mga sektor na naapektuhan ng lockdown, at mga pangangailangan ng mga frontline worker.
Isinailalim sa lockdown mula noong Marso ang Luzon para mapabagal ang pagkalat ng coronavirus disease. Nagpatupad din ng mga kaparehong hakbang ang mga local government unit sa Visayas at Mindanao.
Sa Lunes inaasahang isasailalim sa mas maluwag na general community quarantine ang Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Bea Alonzo, painting, plants, I Am Hope, lockdown, coronavirus pandemic