Anak ni Ina Raymundo nag-graduate mula high school

ABS-CBN News

Posted at May 31 2020 12:04 PM

MAYNILA — Ipinagmalaki ng aktres na si Ina Raymundo ang kaniyang anak na si Erika Poturnak matapos itong magtapos ng high school kamakailan.

Sa Instagram noong Sabado, nag-post si Raymundo ng video tampok ang pagdiriwang ng kanilang pamilya sa graduation ng anak, na idinaos sa pamamagitan ng video communication platform na Zoom.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on

"Best graduation. Ever," isinulat ni Raymundo.

Ipinagbabawal ang pagdaraos ng mga aktuwal na graduation dahil itinuturing itong mass gathering, na maaaring maging sanhi ng pagkalat ng COVID-19.

Sa isa pang post, ikinuwento naman ni Raymundo kung paano nanatiling positibo si Erika sa kabila ng online graduation.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on

Tinawag din niya si Erika bilang "role model" sa mga nakababata nitong mga kapatid.

"You said that this whole thing is surreal, but you’re trying not to dwell on the negative and look at only the positives," anang aktres.

"Despite everything that is happening, you’re still able to maintain a bright outlook and be a wonderful role model to your little sisters," dagdag ni Raymundo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.