Bagong talent search, pangungunahan ni KZ

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 30 2018 12:22 PM | Updated as of May 31 2018 11:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pamumunuan ng "Singer 2018" performer na si KZ Tandingan ang bagong online talent search na "Super K Star" kasama ang kapwa OPM at Cornerstone talents.

Lahat ng talented individuals ay puwedeng sumali. Kailangan lang nilang mag-upload ng kanilang video gamit ang Kwai app.

"We are looking for talented individuals hindi lang singing or dancing. If you have talents na walang nakakaalam kasi nga hidden, this is the perfect venue na ipakita niyo sa 'Super K Star' at kaming lahat magme-mentor sa inyo," ani KZ.

Makakasama ni KZ dito sina Claudia Barretto, Kyla, Jay R, at Markki Stroem.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay KZ, isa lang daw ito sa produkto ng kanyang magandang exposure sa China sa "Singer 2018."

"When we went to China, 'yung pinakamalaking factor kung bakit tayo nakipagsapalaran doon is to open doors not just for me as a singer but for other talents in the Philippines," ani kz.

Proud si KZ sa mga sasaling Pinoy dahil naniniwala siya na maraming bagong talents ang madi-discover.
 
"Ang Philippines ay isa sa mga bansa na may pinaka-talented na mga tao, especially singers. At naghihintay lang talaga tayo ng opportunity na ibigay sa atin," ani KZ.
 
Twenty contestants ang mapipili sa final round at special management contract at cash prize naman ang naghihintay sa grand winner.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.