PatrolPH

'Dirty Linen': Carlos Fiero dineklarang patay ng pulis sa sunog

ABS-CBN News

Posted at May 29 2023 03:03 PM

Dineklarang patay si Carlos Fiero (John Arcilla) sa sunog ng kanilang opisina sa mga bagong kaganapan ng 'Dirty Linen' nitong linggo.
Dineklarang patay si Carlos Fiero (John Arcilla) sa sunog ng kanilang opisina sa mga bagong kaganapan ng "Dirty Linen" nitong linggo.

Dineklarang patay si Carlos Fiero (John Arcilla) sa sunog ng kanilang opisina sa mga bagong kaganapan ng "Dirty Linen" nitong nakaraang linggo.

Habang mag-isa sa kanyang kwarto, isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nagbuhos ng gasolina sa lugar at pinalagablab ito.

Aksidente namang nasa lugar sina Alexa (Janine Gutierrez) at Max (Christian Bables) at nakuha ni Lemuel (JC Santos) ang kanilang cellphone bilang ebidensiya sa krimen. 

Hinala ng mga pulis na sina Alexa o Lala (Jennica Garcia) ang nakita ni Lemuel sa krimen pero suspetsiya ni Doña Cielo (Tessie Tomas) na sina Leona (Janice de Belen) at Olga (Andrea Del Rosario) ang mga salarin.

Kinumpirma naman ng mga pulis sa episode noong Biyernes na katawan ni Carlos ang nakita sa sunog pero hindi kita sa mga naturang episodes ang bangkay ng kontrabida.

Mapapanood ang “Dirty Linen” weeknights sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.