Tinadtad ni Tanggol (Coco Martin) ng baril ang pinsang si Greg (RK Bagatsing) sa latest episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Mayo 29, 2023. ABS-CBN.
Tinadtad ni Tanggol (Coco Martin) ng baril ang pinsang si Greg (RK Bagatsing) sa latest episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Lunes.
Takot na maunahan ng kanyang titong si Ramon (Christopher de Leon), sumugod agad sina Greg sa bahay nina Tanggol para dakipin siya ngunit wala ang bida sa bahay.
Napagdiskitahan ni Greg ang pamilya ni Tanggol at binaril sa dibdib si Rigor (John Estrada) habang sugatan naman ang mga natira. Napagtanto rin nito na dala ni Tanggol ang droga.
Nagkaharap ang mag-pinsan pero hindi kinaya ng sindikato ang dami ng mga taga-Quiapo at sinubukang tumakas.
Sa kanyang galit, pinagbabarili ni Tanggol si Greg hanggang sa hindi na ito nakapagsalita.
Habang magkaharap ang magpinsan, papunta naman si Ramon sa Quiapo para kuhain ang anak.
Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.