Janine Teñoso, abala sa paggawa ng album nitong lockdown

ABS-CBN News

Posted at May 29 2020 11:58 AM

Janine Teñoso with UKG host Amy Perez

MAYNILA -- Isang bagong album ang pinagkakaabalahan ni Janine Teñoso habang nasa ilalim ng lockdown.

Sa “Umagang Kay Ganda” na live sa Facebook nitong Biyernes, Mayo 29, nagbahagi si Janine tungkol sa kanyang bagong proyekto. 

“I’m actually preparing for an album na product of ECQ (enhanced community quarantine), so exciting po siya ,” ani Janine.

“Surprise pa po muna (ang title ng album) pero I guess ang exciting po rito it’s all made sa bahay and recorded sa kuwarto. I’m looking forward po talaga sa production and arrangement ng album,”dagdag ni Janine na nagpasikat sa awiting "Di Na Muli." 

At dahil sa bahay siya nagre-record, nagbigay ng payo si Janine sa mga nangangarap na maging mang-aawit.

“Kapag nagre-record ako, nasa closet ako para hindi nage-echo, para surrounded lang ang sound. So mga aspiring singer na gustong mag-record sa mga bahay nila, puwede nilang gawin 'yon. Tapos dapat sobrang tahimik ng kuwarto,” payo ni Janine.

“Puwede naman sa banyo. Pero kapag may mic ka kasi kailangan surrounded 'yung sound. Pero kapag wala kang mic, puwede naman sa shower,” dagdag ni Janine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.