Matteo Guidicelli, naghatid ng mensahe ng kapayapaan sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at May 29 2019 12:50 PM | Updated as of May 29 2019 08:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Aktibong-aktibo ang aktor na si Matteo Guidicelli sa kanyang pagiging Army reservist.

Nitong Martes, Mayo 28, mainit na sinalubong ng mga taga-Maguindanao si 2nd Lieutenant Guidicelli sa kanyang pagdalo sa youth forum.

Dala ni Matteo ang mensahe ng kapayapaan bilang peace ambassador matapos na pumasok sa Army Reserve Force.

Ang youth forum ay isa sa mga aktibidad ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ngayong panahon ng Ramadan.

Bago umalis, nakipag-selfie muna ang aktor sa mga residente.

Nag-record din sila ng video at inimbitahan ang girlfriend ni Matteo na si Sarah Geronimo na bumisita rin sa Maguindanao.

—Ulat ni Chiara Zambrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.