Sino ang mas madalas magselos kina Andrea Brillantes at Ricci Rivero?

ABS-CBN News

Posted at May 28 2022 03:53 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Idinaan ng magkasintahang Andrea Brillantes at Ricci Rivero sa isang TikTok video ang pagbabahagi ng ilang impormasyon tungkol sa kanilang relasyon. 

Sa inilabas na content ni Brillantes sa kaniyang account, sinagot ng dalawa ang ilang katanungan para sa magkarelasyon kung saan ilulublob sa tubig kung sino sa kanila ang sagot.

Ilan sa mga naunang tanong ay tungkol sa kung sino ang madalas na toyoin, manglait, at malasing na pawang si Brillantes ang isinagot ni Rivero. 

@blythe Happy Birthday bebe haha 💖@riccipaolorivero #fyp #fypシ ♬ original sound - CarlNeth - gwyneth

Itinuro rin ng basketbolista ng UP Fighting Maroons ang Kapamilya actress bilang “wild” at madalas magselos. 

Samantala, si Rivero naman umano ang malambing, madalas nanunuyo, matakaw at palaging tulog. 

Umabot na sa higit 6 milyong views ang nasabing video na umani rin ng nasa 650,000 na likes at lagpas 8,000 komento. 

Magkasama ang dalawa sa isang bakasyon upang ipagdiwang ang kaarawan ng Rivero. Nauna nang naisapubliko ang relasyon nina Brillantes at Rivero nang tanungin mismo ng atleta ang aktres sa Mall of Asia Arena noong Abril. 

Buo rin ang suporta ni Brillantes sa nobyo na live pang nanood ng championship game ng koponan ni Rivero sa UAAP Season 84 kung saan naiuwi nila ang kampeonato.