Bee Gees, nagpasalamat sa TNT Boys

ABS-CBN News

Posted at May 28 2018 12:07 PM

MANILA -- Napahanga ng mga miyembro ng TNT Boys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez ang sikat na grupo na Bee Gees.

Sa official Twitter account ng Bee Gees, ipinaabot ng grupo ang pasasalamat sa TNT Boys sa ginawa nilang panggagaya sa pag-awit nila ng "Too Much Heaven" para sa "Your Face Sounds Familiar Kids."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.