How parenthood changed Melai, Jason

ABS-CBN News

Posted at May 28 2014 12:05 PM | Updated as of May 28 2014 08:05 PM

MANILA - Celebrity couple Melai Cantiveros and Jason Francisco said they found "a new reason to live" after becoming parents for the first time.

In an interview on Wednesday's episode of "Kris TV," Cantiveros and Francisco were one in saying that their baby girl inspired them to become better persons.

"Ang mga pagbabago sa amin bilang magulang is mayroon na kaming inspirasyon. Mas mayroon kaming dahilan para mabuhay. Sa totoo lang, natatakot na akong mamatay dahil kay baby. Kasi parang, paano kung mamatay ako, sino ang mag-aalaga kay baby? Pero dahil kay baby, mayroon na akong dahilan para mabuhay, dahilan mag-work, dahilan maging happy. Ang sarap ng feeling maging mommy," Cantiveros said.

"Parang nagka-purpose ka at nagka-purpose din ang buhay mo kasi nadagdagan ang inspirasyon at parang parati kang masaya. Basta iba ang pakiramdam kapag nagka-baby ka, lalo na kapag babae. Kapag babae, aalalayan mo talaga," Francisco added.

According to Cantiveros, she is slowly learning many things as a first-time mom.

"Iba na talaga kapag may baby na. Hindi na namin iniisip ang sarili namin. Mas iisipin namin 'yung baby. Paggising pa lang, 'di na pwede maglampungan, kailangan paggising ay baby agad. May time sa ganoon pero unahin talaga ang baby. Kung gusto mong mag-date o manood ng sine, 'di mo na basta magagawa 'yun," she said.

"Ang pagkakaroon ng baby at pagiging mother, parang bagong learnings. Hindi pwedeng hindi ka magtatanong. Lagi akong nagtatanong sa mga kaibigan ko na mommy na. Feeling ko kasi hindi normal sa akin, pero normal lang pala," she added.