PatrolPH

'It's Showtime' hosts, excited sa pagbabalik ni Anne Curtis

ABS-CBN News

Posted at May 27 2022 03:14 PM

MAYNILA -- Matapos kumpirmahin sa social media ni Anne Curtis ang kanyang pagbabalik sa "It's Showtime," ibinahagi naman ng iba pang host ng programa sa pangunguna ni Vice Ganda ang saya na muling makasama ang aktres at host.

Sa "It's Showtime" nitong Biyernes, sinabi ni Vice na kailangang abangan ng mga manonood ang production number ni Curtis sa Sabado, Mayo 28.

Watch more News on iWantTFC

"Alam niyo two weeks pini-prepare ang production number bukas ni Anne. Ay 'day abangan niyo, sinasabi ko," ani Vice.

"Siyempre iba ang pagbabalik ni Anne Curtis, hindi ba?" dagdag naman ni Vhong Navarro.

"Kaya abangan niyo 'yan. Masaya tomorrow, kaya gandahan natin ang mga damit natin," dagdag na hirit V ce kay Navarro at kasamahan pa nilang host na si Ogie Alcasid.

Sa isang post sa Instagram nitong Biyernes ng tanghali, kinumpirma ni Curtis na magbabalik na siya sa pangtanghaliang programa ng Kapamilya network.

Noong nakaraang linggo, sa post sa social media ng ABS-CBN ay ipinahiwatig ang pagbabalik ng aktres at host na si Curtis sa "It's Showtime."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.