PatrolPH

Donny Pangilinan at Belle Mariano, nagpasalamat sa fans na nanood ng Star Magic games

ABS-CBN News

Posted at May 27 2022 11:44 AM

MAYNILA -- Malaki ang pasasalamat nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa pagkakataon na makasama ang kanilang mga tagahanga sa Star Magic All-Star Games nitong Mayo 22.

Sa eksklusibong panayam ng Inside News ng Star Magic, ibinahagi ng dalawa ang saloobin na muling makita ang mga tagahanga matapos ang ilan taon dahil sa pandemya. 

Watch more News on iWantTFC

"Parang ngayon lang nagsi-sink in sa akin na two years namin silang hindi nakita and sobrang thankful kami na some of them really came here to see us play and watch the games. Grabe from other countries pa nga 'yung iba, tapos galing pa sila ng province. Just making the time and putting effort, just shouting their love and support for the team, maraming-maraming salamat. You really made this day memorable," ani Mariano.

"For sure hindi ito ang end; simula pa lang ito. I hope to have more events like this with you guys," dagdag naman ni Pangilinan.

Hirit ulit ni Mariano: "Sa inyo pa lamang panalo na kami."

Sa ngayon ay bida sina Pangilinan at Mariano sa season 2 ng "He's Into Her."

 Related video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.