Jolina, naiyak sa pagharap sa kanyang takot sa tubig

ABS-CBN News

Posted at May 27 2019 03:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Jolina Magdangal sa pagharap sa kanyang takot nang subukan niya ang underwater activity na helmet diving sa Boracay para sa kanilang ikatlong taon ng "Magandang Buhay."

Nitong Lunes, ipinalabas na ang naging pagpunta ni Jolina at mga co-host na sina Melai Cantiveros at Karla Estrada sa dinarayong isla ng Aklan.

Matapos na makita ang ganda sa ilalim ng dagat, bumuhos ang luha ni Jolina dahil sa magkahalong saya at kaba.

"Hindi niyo ako pinabayaan, sobra kong na-appreciate. Doon ko na ano na makakapagtiwalaan ko lahat at nandoon na 'yung test of friendship," ani Jolina sa kanyang mga co-host.

"Isa pa kaya ako naiiyak kasi alam ko na pagdating ko sa hotel ay 
ikukuwento ko ito (sa anak ko) kay Pele at (sa asawa ko) kay Mark kasi alam nila na takot ako sa tubig. Sila nagsu-swimming sila, ako nasa gutter lang ako," dagdag ni Jolina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.