PatrolPH

'Pinoy Big Brother': Teen housemates wagi sa 2 'Kumunitest' challenge

ABS-CBN News

Posted at May 26 2022 05:11 PM

 Screenshot mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel.
Screenshot mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel.

MAYNILA — Wagi ang natitirang teen housemates sa unang dalawang "Kumunitest" para sa kanilang huling linggo sa "Pinoy Big Brother" house.

Sina Gabb Skribikin, Stephanie Jordan, at Rob Blackburn ang natitirang teen housemates sa "Biga10" group.

Sa kanilang unang Kumunitest kinakailangan nilang maitawid ang pyramid ng cups habang unti-unti itong binubuo. Sila ay nakakuha ng 25 points matapos manalo sa hamon. 

Watch more News on iWantTFC

Panalo rin sila sa ikalawang hamon kung saan kinakailangan nilang mapalusot sa isang ispesipikong butas ang pingpong ball sa isang maze at nakakuha ng 50 points. 

Mayroon na lamang isang Kumunitest na hinihintay ang mga natitirang housemates bago ang Big Night para hirangin ang kampeon sa kompetisyon. 

Ang magwawagi sa Kumunitest ay awtomatikong pasok sa Big 4 na panggagalingan ng hihiranging Big Winner. 

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

 KAUGNAY NA ULAT:
 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.