PatrolPH

Kapamilya stars, sanib-puwersa sa pagkalap ng pirma para sa ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 03:16 PM

MANILA — Sanib-puwersa ang mga bituin ng Kapamilya network para mangalap ng lagda para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN na ipinatigil ng National Telecommunications Commission sa pagbo-brodkast noong Mayo 5. 

Gamit ang kani-kanilang social media accounts, muling nagpakita ng kanilang suporta para sa kanilang mother network sina Coco Martin, Julia Montes at iba pang mga bituin sa pamamagitan nang paghikayat sa publiko na makiisa sa online petition para hikayatin ang Mababang Kabulungan ng Kongreso para ipasa na ang renewal ng prangkisa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tayo po ay magtulong tulong mga Kapamilya

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

“Tayo po ay magtulong-tulong mga Kapamilya,” ani Julia sa caption ng kanyang post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Lumaban para sa karapatan at manindigan para bayan!!!

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

“Lumaban para sa karapatan at manindigan para bayan,” ani Coco sa caption ng kanyang post. 
 
Matatandaang humarap sa pambabatikos si Coco matapos niyang ilabas ang kanyang saloobin at ipakita ang pagsuporta sa ABS-CBN.

Samantala, patuloy din ang iba pang mga bituin tulad nina Jake Cuenca, Sylvia Sanchez, Nikki Valdez, Melai Cantiveros, at Pokwang sa pagpapakita ng suporta para muling makabalik sa ere ang ABS-CBN.

Gamit ang mga hastag na #KapamilyaForever, #LabanKapamilya #IbalikAngABSCBN, hiling mga bituin ang muling pagbabalik ng Kapamilya network.

Nitong Martes, Mayo 26, dininig sa kongreso ang prangkisa ng Kapamilya network.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.